Now I can die..

sabi ko sa sarili ko kapag nakapanood na ako ng concert ni regine velazquez, pwede na akong mamatay...and masasabi kong I can die..as in kahit at this moment

Last Friday my friend Belle and I celebrated her birthday by watching Regine Velasquez perform live in Ratsky's Morato...for the promotion of her album Till I met You...kahit di kami malapit sa stage(hehehe siempre doon lang kami sa cheaper price na ticket) but our view is fine..Ratsky is a small place compared to Araneta kung manonood ako...

when regine came out...looking like an ordinary gimikera that day..she was wearing a simple jeans that are torn on the knee part..and a simple flowing tube top na lagi niang tinataas(di ko alam kung dahil mejo mababa na boobs nia di nasasalo waheheheheh)....and red lipstick and red fingernails...i feel goose bumps ..and I can't take my eyes off her...siguro dahil sa wakas nakita ko na rin sia...well hanggang doon na lang ang starstruck moment ko...

The songs she sang are mostly her songs of course show nia yon...and the one that I like very much was Victoria's song which was part of her COVERS 2 album..ang ganda ng pagkakanta nia....di ko lang maalala ang title and I forgot to check my cd before writing this...all in all sabi nga ala EB sulit ang bayad namin...kasi andon din si janno gibbs na kumanta ng ako si superman..maliit lang pala 'tong mama neto...si robin padilla na natagalan makalabas sa hallway ng CR dahil kinuyog ng mga kababaihan...ay grave ang gwapo ng mamang eto...walang pagbabago mapaup close and personal or on stage man...nagduet sila ni regine ng ALIPIN at kasweetan sila ever of cors...at siempre pa save the best for last...wahahahhaa...ang last niang kaduet ay ang walang iba kundi si OGIE ALCASID...uhhmmm well halata na mejo me relasyon sila...hihihi..gumawa ba ng chismis...pero you will really noticed how different she is nung andon na si ogie....pero kebs sa kanila kinanta naman nila favorite kong HANGGANG NGAYON...and with justice naman so care ko kung sila man o hindi..wahehehehehhee..isang pahabol na comment lang...mas cute si ogie over janno....bwahahahahahahahaa...


hay mejo saddest part nga lang ang wala akong remembrance(except for the show tickete) na pic man lang nia..performing onstage or kahit katabi ko sia(wahehehehe)...di dala ng friend ko ang camera nia kasi she thought bawal yun pala ang bawal ay video cam...at low bat pa celfone ko non..pagtiagaan ko man lang sana ang panget na image di ba kaya lang...so cruel the world...masyadong naexcite manood at nakalimutan....ang ilang bagay bagay...

so ayun...i can say pwede na akong malagutan ng hininga anytime...napanood ko na magperform si gary valenciano, martin nievera at regine velasquez...hmmm naku parang kulang pa ang kakrung krungan ko...wala pa si mark bautista hayyy....pero di bale...malamang sa kabilang buhay na lang baka sabihin ni Lord demanding na ako masyadoh...

kaya sa lahat ng mga taong nadisappoint at nasaktan ko..i'm really sorry...may you find it in your pure heart to forgive me for all the wrong things I have done to you intentionally or unintentionally..and let my soul rest...

sa lahat ng mga taong naging malaking bahagi ng life ko..my friends..nakikita or nakakausap ko man kayo lague or hindi...maraming maraming salamat for being a blessing in my life i hope in some way I have been a blessing in your life too...thank you for trusting me and sharing your wonderful friendship to me..

to my family..i love you...


Comments

Popular posts from this blog

Purpose

How to Control our Emotions

new layout